Ay may HB moment na naman ako sa in-house travel agent natin. Medyo mahaba....my boss ("tatay") will go to Copenhagen, I called them kung saang embassy nila ipapasok kasi we might follow up due to time constraint. They said sa Norway.....fine. Tapos nalaman ko sa French Embassy nila ni-file. Sabi ko bakit dun nila pinasok sabi nila sa Norway e kung mag-follow up pala kami sa Norwegian embassy wala dun ang papers ng tatay ko. Sabi sa akin ay di po ba sa France sya pupunta? Sabi ko hindi sa Copenhagen sya pupunta for the nth time at nasa form yun. Kung ano-anong sinabi until ang last reason nila mas madali daw kasi mag-release ng schengen visa ang French Embassy. Fine, natahimik ako. I just waited for the release of the visa. Until, na-release na ang visa pero mali ang date--entry date nya ay ang date na ng conference nya so dapat earlier ang entry date, sabi ko papalitan nila. Then I got a call:
agent: ms. carmie, hindi na natin ulit ito mapapasok sa French embassy kasi wala ng france ang itinerary nya. Please prepare a new form then we'll file it at Norwegian Embassy.
me: Huwaat, hindi pwede wala na akong time. At saka bakit hindi pwede ulit ipasok sa French embassy e sila na nag-issue nyan.
agent: kasi po dati sa itinerary na sinubmit natin may france na itinerary nya e ngayon po sa revised itinerary nya wala na pong france.
me: Sabi ko hello, eversince walang france sa itinerary nya, I'm 100% sure kaya kung dati tinanggap nila, syempre tatanggapin pa din nila yan.
agent: e may france po talata.
me: aber aber fax nyo nga sa akin ang itinerary na sinubmit nyo.
they faxed it........
Pagkita ko ang nakalagay kasi sa orig itinerary nya ang return nya ay via Frankfurt kaya 3-airline code ay FRA. Kaya sabi nila part ng itinerary nya ang FRAnce.
Ka-high blood!!! ka-HB to the max.....hello, travel agent pa naman kayo ang FRA ba ay France. E dapat PAR o kaya kung airport code ay CDG or ORY!
hay naku!!
Tuesday, April 1, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
Hindi matigil ang aking smile on my face :) :) :) ayos ito! Dapat siguro may a****o tales na tayo... o di kaya travelagency tales para may protection yung name ng a****o.... hihihihi :)
haynaku for sure ang daming a****o tales na yan....
ang boss ko, pag sinabi ko hindi pa sumasagot ang amex...or nahihirapan ako makipagusap....sya na ang tatawag sa amex :D :D :D
ooops....i named names
So, Mama Carms, what's the update? :) - *let's petition to bring back anonymous*Bex
i hope i dont get HB now that im processing two missions. gggrrr...
ha ha ha ang tatay ko sa takot na hindi tanggapin ng Embassy of FRAnce, nagpagawa ng booking na dadaan ng FRAnce bwa ha ha doble trabaho..... hay naku gudluck senyo gerls ....ang wrinkles!
Post a Comment