At 1:30pm today, I got a call from a messenger of Globe who's at the Main Lobby.
Messenger: Hello, Ma'am, ito po ba ang office ni Mr. XXXXXX?
Ako: Opo. Ito nga.
Messenger: Ma'am pwede pong pakisabi yung phone nya galing sa Globe andito na po. Pwede na nyang kunin.
Ako: Naku, wala pa sya eh. Pwede bang ako na lang ang mag-receive nyan?
Messenger: Ay, hindi po pwede ma'am eh. Dapat sya po, personal po kasi ito eh. Dapat may authorization kayo na mag-receive.
Ako: Eh mamaya pa sya dadating, mga 2:00 pa siguro kasi may lunch sila eh.
Messenger: Naku, 2:00 pa po? Pano po kaya ito?
Ako: Kung gusto mo bumalik ka na lang mamaya.
Messenger: Naku madami pa akong pupuntahan eh para deliveran. Pano kaya ito?
Ako: Wala tayong magagawa kasi ayaw mo naman ipa-receive sa akin. Kaya bumalik ka na lang
Messenger: Kasi nga po ma'am wala kayong authorization.
Ako: Oh kaya nga, bumalik ka na lang.
Messenger: Tsk..tsk..ang dami ko pang pupuntahan eh. Ay, ma'am. Pwede po bang kayo na lang ang bumaba dito?
Ako: Bakit ano yun?
Messenger: May ibibigay lang po ako sa inyo na dapat papirmahan kay Sir.
Ako: (Natatawa na naiinis na ako) Ha?! Eh bakit kukunin ko pa eh babalik ka din naman mamaya diba para ibigay yung phone? Bakit hindi na lang ikaw ang magbigay sa kanya mamaya?
He came back after an hour.
Ring...ring...ring...
Messenger: Ma'am anjan na po ba si Sir? Andito na po ako.
Ako: Oo nandito na sya.
Messenger: Pakisabi po bumaba na sya. Tsaka pakisabi bilisan na lang po.
Ako: Ha? hahahahaha...Sige sasabihin ko sa boss ko ah na bilisan nya.
Messenger: Opo kasi madami pa po akong pupuntahan eh. Nagmamadali po ako.
Ako: *blag* (puts the phone down)
Aaaaaaaaaaaaaaaantipatikoooooooooooooooooo!!!!!
Cheeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
sabi ko na nga ba post ni kler ito e...bwahahahaha
I lab this post!!!
Bwahahahahaha!
ay buti na lang nung may phone ang tatay ko at wala sya hindi naman antipatiko ang messenger.....
ha ha ha im sure na HB si kler ka-HB nga ang ganyang sitwasyon....
Post a Comment